Hindi naging matagumpay ang pagpapanggap kong maging manunulat. Wala akong yosi break at hindi ako mahilig mag-kape. Sanay akong magpuyat pero hindi ako inaabot ng tanghali sa higaan. Mahilig ako sa pandesal pero kadalasan kanin ang almusal ko. Oo, may pagkasuicidal nga ako, pero walang kinalaman dito si Kurt Cobain ng Nirvana at ang kanyang i-hate-myself-and-i-want-to-die songs dahil kahit isa ay wala pa akong naririnig sa mga ‘yun. Madalas akong mawalan ng bolpen. Marami nga akong lapis, wala naman akong pantasa. Nagsusulat ako ng mga walang kwentang bagay (tulad nito) na madalas ako lang ang nakakaintindi dahil sabi nga nang isa kong kaibigan “”anong sense?” pagkatapos basahin ang isa kong tula. Madalas trivial o kaya existential ang sinusulat ko, pero hindi substantial.
Minsan may nagtanong sa’kin, paano raw ba nabubuhay ang mga writer. Gusto ko sana syang sipain pero dahil world peace ang motto ko sa buhay, sumagot na lang ako ng maayos.
“Hindi ako writer pero ang alam ko normal din sila. Kumakain, natutulog, tumatae, at nabubuhay.. tulad mo, tulad natin. Un nga lang, nagsusulat sila.”
Pero hindi. Mali ang sagot ko.
Kung iisipin, ilang beses ko na ring tinangkang isulat ang buhay ko. Pero bigo ang lahat ng pagatatangka. May mga parte kasi na hindi ko naiintindihan, tulad nga nang kagustuhan kong maging manunulat.
Sabi nila “Writers are not made. They are born.” Kung sino man sila, pinapatay nila ang pangarap ko.
Mahilig lang talaga ako sa papel. Masaya kasing magsulat. At ang kalungkutan ang pinakamatalik kong kaibigan, pinakamabisang armas at pinakamainam na sangkap sa mga akda. Tulad ito ng alak kay Edgar Allan Poe.
Halos lahat na ‘ata ng papel nasulatan ko na. Kahit anong papel na Makita ko basta pwedeng sulatan: mga resibo, request slip sa Mercury Drug, likod ng mga photocopies, pambalot ng pandesal, karton ng keso at tissue ng nanay ko.
N’ung high school, napupuno ang mga notebooks ko ng mga scribblets, tula at kung anik anik pang chorvah ng pakikiniig ko sa aking panulat. Madalas akong napapagalitan sa klase dahil madalas akong hindi nakikinig. Kung saan saang lupalop nakakarating ang utak ko. Laging lumilipad. Hindi ako nakakapagpigil kapag kapag namumulaklak ng mababangong ideya ang imahinasyon ko. Madalas din akong magpuyat para magsulat. Akala pa nga nang nanay ko ang sipag sipag kong magaral.
At ngayong nasa UP na ‘ko, wala pa ring pinagbago. Adik pa rin ako. Patuloy pa rin akong nagiging puta para sa pangarap, patuloy na ginagahasa ng karanasan at inspirasyon, at walang sawang nagbibigay bunga sa matamis na tamod ng panulat. Bumabaha pa rin ng salita, ng mga tulang pinagtutugma, at mga maikling kwento na hindi pa natatapos dahil sa haba.
May nagtanong sa’kin kung kalian daw ako titigil magsulat. Hindi ko alam kung anong klaseng tanong ‘yun. Paano na raw kapag naputulan ako ng kamay o kaya hindi na nakakita. Napailing na lang ako at napangisi. Wala naman kasi sa kamay o sa mata un. Kung hindi ko man maramdamang writer ako, at least man lang maramdaman kong nagsusulat ako.. kahit sa puso man lang.
Mukhang napabilib ko ata ‘yung mokong at nangakong aabangan ang unang librong isusulat ko.
Pero sabi ko hindi muna ako magsusulat. Hindi ko pa kasi masagot kung bakit puro hinaing sa buahy at kapaitan sa pag-ibig ang kayang kogn isatitik. Puro skepticism at pessimism. Parang naniniwala na ‘kong sa bawat akdang ginagawa ko, lalo lang dumadami ang mga hinaing at muling nagiging sariwa ang mga sugat ng nakaraan.
Ang tanong: kaya ko bang hindi magsulat??

0 comments:
Post a Comment