OUCH! *istomak eyks*
Urine Sample #5: Sabi ko nga eh
3/20/06
Hindi ko alam.. sana nalaman ko na walang 1 yr tenure policy.. Sana nasagutan ko pa ung editorial kung nalaman ko.. Sana nagkaroon ako ng chance maging EIC...
Hindi ko alam kung sinong pwedeng sisihin.. Masyadong masakit at gusto ko ng masisisi.. kahit sino..
Ewan ko... Si Mr. EIC ba? Dahil hindi nya sinabi? O ako talaga dahil isa akong malaking gago??
Takte.. sayang ang mga pagkakataon para sakin..
Alam ng marami kung gaano ko kagusto un.. at alam ng marami kung gaano ko kamahal ang Parser..
Pero kasalanan ko rin siguro kasi hindi nila nakita un.. hindi ko naipakita sa kanila..
Pero isang malaking bahagi ang Parser sa ilang mahahalagang pagpapasya sa buhay ko..
UNA: Hindi ako nagshift sa journalism dahil natutunan ko nang mahalin ang CS at alam kong kahit wala ako sa Journalism, alam kong magagawa ko pa rin ang gusto ko.. mapapalapit pa rin ako sa first love ko.. dahil sa Parser..
PANGALAWA: Hindi ko na binalikan ang Kule nung pinababalik nila ako.. dahil alam kong may Parser na naghihintay sakin.. dahil alam kong mas kailangan ako ng Parser..
Bitter lang siguro.. Masakit eh.. Masakit.. Ehehehe.. At ang mas masakit pa nun.. hindi na nga ako qualified na EIC, hindi pa 'ko qualified as Associate.. Tang 'nang buhay 'to.. Ang hirap magmahal.. lalo na kapag papel.
Wala nga sa posisyon un.. pero ewan ko.. pakiramdam ko olats ako.. wala bang tiwala sakin ang mga tao.. sana sobrang teknikal lang nila..
Marami pang pwedeng pagkaabalahan.. marami pang ibang pwedeng mahalin.. andyan ang Cursor (go SEXY!!!!).. ang INFO, ang Monitor express, pwede na rin siguro ung Logscript.. (sana hindi na bulok ang ESC..ehehehe), ung EXTE rin.. tutulungan ko pa si Louis sa exte eh.. ahhaahaha.. tsaka syempre ung acads diba.. ACM pa pala.. tsaka baka mag SA na lang ako.. tsaka tsaka.. ang dami ko palang gustong gawin eh.. hahaha (bitter nang tawa)..
Pero iba pa rin pag Parser.. iba pa rin ang first love,..
Pero kahit nabigo ako.. hindi ako magsasawang magmahal.. hindi ako magsasawa..
Malaki ang pagapapasalamat ko kay MR. EIC dahil sa ginawa nyang pagintindi..at ngayon ko lang nalaman.. halos magkapareho pala kami pagdating sa pagsusulat.. kahit papano may nahanap akong kakampi.. aherhehrhehr..
Mabuti na rin na hindi ako EIC.. wala masyadong pressure.. :)
So ano cai?? Batch nyo na.. Malaki ang responsibilidad na nakaatang. haayyyiiieee...
Posted by Cai at 20.3.06 0 comments
Urine Sample #4: floating... ulit
3/18/06
Hindi rin ako sigurado sa sagot..
Un na nga ang mahirap eh.. Ung mawalan ng kasiguraduhan.. hirap diba??
Wala namang nang-iwan sakin eh.. Hindi pa naman nya ako pinababayaan.. At higit sa lahat hindi nya pa 'ko tinatalikuran..
Ang sama ko ba?
Hindi ko kasi alam kung anong nangyayari samin.. O anong nangyayari saken..
Sana burn out lang ako.. Sana sigurado ako..
Sa pagakakataong ito, hahayaan ko munang makaramdam ako ulit ng sakit, kahit walang nananakit sa akin at kahit ako naman talaga ung nananakit sa kanya...
Gusto kong balikan ung teacher ko nung kinder..
http://graveress.blogspot.com/2004/09/floating.html
Posted by Cai at 18.3.06 0 comments
Urine Sample #3: Sabi ko ba hindi muna ako magsusulat???
3/17/06
Minsan may nagtanong sa’kin, paano raw ba nabubuhay ang mga writer. Gusto ko sana syang sipain pero dahil world peace ang motto ko sa buhay, sumagot na lang ako ng maayos.
“Hindi ako writer pero ang alam ko normal din sila. Kumakain, natutulog, tumatae, at nabubuhay.. tulad mo, tulad natin. Un nga lang, nagsusulat sila.”
Pero hindi. Mali ang sagot ko.
Kung iisipin, ilang beses ko na ring tinangkang isulat ang buhay ko. Pero bigo ang lahat ng pagatatangka. May mga parte kasi na hindi ko naiintindihan, tulad nga nang kagustuhan kong maging manunulat.
Sabi nila “Writers are not made. They are born.” Kung sino man sila, pinapatay nila ang pangarap ko.
Mahilig lang talaga ako sa papel. Masaya kasing magsulat. At ang kalungkutan ang pinakamatalik kong kaibigan, pinakamabisang armas at pinakamainam na sangkap sa mga akda. Tulad ito ng alak kay Edgar Allan Poe.
Halos lahat na ‘ata ng papel nasulatan ko na. Kahit anong papel na Makita ko basta pwedeng sulatan: mga resibo, request slip sa Mercury Drug, likod ng mga photocopies, pambalot ng pandesal, karton ng keso at tissue ng nanay ko.
N’ung high school, napupuno ang mga notebooks ko ng mga scribblets, tula at kung anik anik pang chorvah ng pakikiniig ko sa aking panulat. Madalas akong napapagalitan sa klase dahil madalas akong hindi nakikinig. Kung saan saang lupalop nakakarating ang utak ko. Laging lumilipad. Hindi ako nakakapagpigil kapag kapag namumulaklak ng mababangong ideya ang imahinasyon ko. Madalas din akong magpuyat para magsulat. Akala pa nga nang nanay ko ang sipag sipag kong magaral.
At ngayong nasa UP na ‘ko, wala pa ring pinagbago. Adik pa rin ako. Patuloy pa rin akong nagiging puta para sa pangarap, patuloy na ginagahasa ng karanasan at inspirasyon, at walang sawang nagbibigay bunga sa matamis na tamod ng panulat. Bumabaha pa rin ng salita, ng mga tulang pinagtutugma, at mga maikling kwento na hindi pa natatapos dahil sa haba.
May nagtanong sa’kin kung kalian daw ako titigil magsulat. Hindi ko alam kung anong klaseng tanong ‘yun. Paano na raw kapag naputulan ako ng kamay o kaya hindi na nakakita. Napailing na lang ako at napangisi. Wala naman kasi sa kamay o sa mata un. Kung hindi ko man maramdamang writer ako, at least man lang maramdaman kong nagsusulat ako.. kahit sa puso man lang.
Mukhang napabilib ko ata ‘yung mokong at nangakong aabangan ang unang librong isusulat ko.
Pero sabi ko hindi muna ako magsusulat. Hindi ko pa kasi masagot kung bakit puro hinaing sa buahy at kapaitan sa pag-ibig ang kayang kogn isatitik. Puro skepticism at pessimism. Parang naniniwala na ‘kong sa bawat akdang ginagawa ko, lalo lang dumadami ang mga hinaing at muling nagiging sariwa ang mga sugat ng nakaraan.
Ang tanong: kaya ko bang hindi magsulat??
Posted by Cai at 17.3.06 0 comments
Urine Sample #2: BiTteR LaNg NaMaN KaSi
3/9/06
Pinangarap ko ang pagiging EIC ng Parser, pero hindi ako namamalimos para makuha un.
I have nothing against Parser. I have nothing against CS stuff. And I have nothing against the editorial board.
I agree that nationalism/love of one's country has to root to the love of smallest unit one is belonged to. In Parser's case, it is the DCS. Tulad nga ng sinabi ni AE:
"how many people are aware of what's going on in the department? how many have heard of the cs network and its purpose?
try answering the stuff jonas asked in the game show part of the awarding ceremony. kung naperfect nyo yun -- no, kung MARAMING NAKAPERFECT NUN -- (ako nga hindi eh), maybe ok na sigurong madagdagan ng topics na sumasakop sa iba pang bagay tulad ng issues sa logscript-ESC funds, sa exhibits sa engg lobbies, sa overnight permits, sa rallies.i mean, how many people even attended the awarding ceremony and other cs week events? "
"how can one develop love of country if one can't even support one of the smallest units he belongs to?"
Tama naman diba? Pero ibig bang sabihin nito I don't love my country kasi i haven't attended the CS Awarding Ceremony?
Kung ganun, siguro nga. Walang dapat baguhin sa dapat gawin ng Parser, PERO hindi rin ba dapat dagdagan???I don't expect that everyone shares the same opinion as mine. Ayokong may magalit sakin dahil matigas ang ulo ko at dahil iba ang pinaniniwalaan ko.
Sa puntong ito, gusto kong ipaliwanag ang sarili ko, kahit hindi kailangan, at kahit walang humihingi ng paliwanag ko:
UNA: Bitter ako sa exam. Hindi dahil olats ang gumawa. At hindi dahil olats ang exam. Olats ako. Un lang.
PANGALAWA: Sa palagay ko kasi (sa mga panahong un) mas mahalaga ang numerong 1017 kesa sa MY Friends sa My Latest Stats sa Friendster account ko. Isang punto: Wala ako sa mood magsulat (kaya olats ako) at walang kinalaman ang kahit na sino.
PANGATLO: EA:"Parser was revived primarily to help in the information dissemination of the cs reps (ask carlos, chicco reyes, mike sepulveda, and ponch mante. kasama yun sa SPOA nila.)." Pasensya. Hindi ko alam na bulletin board ng mga CS reps ang Parser. Kala ko kasi "student publication". Iba lang siguro ang pagpapakahulugan ko.
PANG-APAT: EA: "the editorial exam was meant to test the technical skills of the aspiring editors." Technical??? Hmm... Bagsak na 'ko agad dito
PANGLIMA: EA: "but apathy still exists amongst us. must it not be necessarily extinguished as well?" Apathy? sa DCS? Hindi ba natin pwedeng isabay na-i-extinguished ang apathy sa mas malaking konsepto? Siguro hindi. Malamang mahirap.
PANGANIM: EA: "appeal first to the masses, then insert your propaganda..e.g. magpasok ng mababaw na koreanovelas at fantasynovelas or whatever the heck they're called, tapos saka mo lagyan ng mga may sense (jewel in the palace)*.
*hindi ako nanonood ng gma; hindi ako nanonood ng tv; pero open-minded enough ako para i-cite sila as an example." Isang bagay na hindi kaila sakin na ilang taon na ring humawak ng student publication. Crash course sa paggawa ng feature. Pero hindi ko minamasa. Ayoko lang isipin na pinalalabas dito na hindi ako open-minded. Magwawala ako.
PANGPITO: Bata pa ko. Kaya siguro sobrang idealistic ko. Oo. Siguro nga bata pa ko. Kaya nga hindi ko na binalikan ang KULE nung pinababalik nila ako. Bukod sa alam kong wala pa 'kong sapat na tapang para humarap sa mas malaking mundo, wala rin kasi akong naiintindihan. Akala ko lang meron.
PANGHULI: Sorry na, I first discovered how much i love my pen before i knew how to love the opposite sex. FIRST LOVE ko ang pagsusulat. Literal. Matagal na kong nanliligaw pero hanggang ngaun hindi nya pa rin ako sinasagot. Un lang un. Bitter lang ako. Heart broken.. Survival of the fittest kasi ang issue.. Kaya madalas akong na-tu-turn down. I do not fit. Bitter diba? Sana naiintidihan nyo.
Lesson learned: Kung gusto ni Cai magsulat, magwala, magreklamo at magpakasubersibo, pwede naman nyang gawin na lang un sa blog nya. Hindi kailangan ng isang "student publication" ang mga angas nya.
http://kevan.org/johari?name=graveress
http://kevan.org/johari?name=graveress
Posted by Cai at 9.3.06 0 comments
Urine Sample #1: I think I took the wrong exam
3/3/06
UP Parser Editorial Exam --Ewan ko. excited ako kanina para dito. Pero nung ibigay na ni Mr. EIC ang exam, pakiramdam ko mali ako ng pinasukan.
Mahilig akong magsulat. I can say that I have the passion for writing. Pero parang ayoko naman atang magsulat ng tungkol sa friendster, sa blogging at sa Encantadia.. ehehehe..
Siguro masyado lang ako nalamon ng Proclamation 1017 ni GMA, at ng terror na maaring idulot ng isang martial rule.
Masyadong matigas ang ulo ko.
Ngaun, malayo na ang EIC position na pinapangarap ko.. Ayos lang..
Sa pagkakataong ito, iisipin ko munang meron akong paninindigan...
Posted by Cai at 3.3.06 0 comments