Last day na ngaun na gagabihin ako sa SSS compound dahil may praktis ng kanta..
Last day na ngaun na madami akong pinrint na papel at inencode..
Pero meron pang bukas.. Bukas talaga ung totoong last day..
Kaya lang...
Nakakalungkot pala..
Nung una, parang "Ok cge, try ko to.. Wala din naman akong ginagawa sa bahay.. At wala pa 'kong pera."
Excited pa 'ko..
...sa pagkuha ng application form
...sa pagbalik para sa interview
...sa unang araw ng pagpasok sa office
...sa unang kakilala sa pila (hi Carmel!)
...sa unang barkada sa office (hi Carmel and company!)
Kaya lang, first day palang boring na sa office... May pc nga, wala namang net. Windows 98 pa. Outdated. Pero buti na lang, mga isang linggo ata after, nagkaroon ako ng illegal internet connection. Kahit hindi makapag-open ng yahoo mail at gmail, ayos lang... Makakapagdownload naman ng games.. kahit free trial. Makakabawas din un sa boredom sa office. Pero kelan lang, naputol ang illegal na gawain ko, may nakaalam at ng modus operandi ko.
Nung mga panahong wala akong ginagawa sa office (bukod sa maglaro), ilang beses ko ring naisipan na mag-resign na. Pero ayaw nila akong payagan dahil may ipapagawa daw silang write up saken at the end of the summer job program.. O diba ang haba ng buhok ko..
Pero mabuti na lang hindi ako nagresign.. Hindi ko sana maaabutan ang araw na 'to..
...hindi ko sana makikilala sila Moniq, Joshmer, Mike, John, Rico, at si Bouncy boy
...hindi ko sana malalaman na masaya pala ang mga kabatch ko
...hindi sana ako magkakaroon ng chance na magenjoy kahit man lang sa onting oras na natitira
Ang pangit ng pakiramdam..
May matatapos na naman kasi eh..
Mang iiwan na naman ako ng lugar..
Nakakalungkot..
Kasi kahit papaano, naging bahagi ng buhay (bakasyon) ko ang work sa SSS
...ung paulit-ulit na paggamit sa isang black slacks (ang luwag na kasi nung iba kong pantalon)
...ung ng paggising sa umaga at ang pagkatamad ko sa paggising
...ung pamromroblema ng babaunin na food
...ung elevator ladies at ang mga tunog ng takong kapag hinahabol ung elevator na may kasabay na sigaw na "DOWN!" or "UP!"
...ung manong guard sa floor namin at sa 7th floor na parehong kilala na ang boyfriend ko
...ung mga tao sa department namin
...ung mga libreng kain sa Max's at KFC
...ung mga pakain ng mga nagbebertdey (kanina lang may nagburtdei na nagpakain)
...ung pc na ginagamit ko
...ung mga phone na sinasagot ko ("Halerrrr! MIS department!")
...ung janitress sa ladies room na binibwisit ko tuwing umaga kasi nagpapalit ako ng sapatos sa ladies room (at basa pa ang floor na pinunasan nya tuwing ginagawa ko un sa umga)
...ung pangiistorbo namin sa nagkakapeng tatay ng boyfriend ko (na dun nagwo-work) tuwing alas
singko ng hapon
...at ung buong SSS System mismo
At lahat nang un, alam kong mamimiss ko. At malulungkot ako sa pagtatapos bukas... Baka maiyak pa 'ko..
Sige na nga.. korny na.. pero totoo
****************
kakanta pala ko.. sway at mata
Urine Sample #16: Mata
5/30/06
Posted by Cai at 30.5.06 2 comments
Urine Sample #14: The Subway, The Train and The Gory
5/9/06
Last night I alternatively took the subway home. (err.. actually it's the LRT, it's just subway sounds so coooool). I'm only two stations away from the last one. I usually ride an fx or a jeepney but I was running late and I'm not in the mood and I can't afford to be kept hostage in a traffic jam for what seemed an eternity or so, and the subway's the only fastest way though would cost me a little luxury (phew, that was long I held my breath).
Well anyway, I felt creeps from my vein to my scalp as soon as I got into the platform. I was the only one on that side, well except from the guard who gave me daze walking back and forth. Is he nervous as hell I wouldn't mind to know (but probably his wife is laboring in the delivery room *wink*).
As I was saying, err writing, I was the only one on that side waiting for the next train and there are at least ten people on the other side. Darn! The whole cumbersome atmosphere depressed the hell out of me, I swear. It was sooo silent like a vacuum I could really die right then and there. And suddenly it's hell, I just felt like committing suicide or something like jumping in the railway or some gory stuff like that. And here's the funny thing, I'm really up to doing it and all. Was I so stupid. But what I thought I would do then was jump into the railway just when the train's coming near and lay lay there for all I know and let the engined metal crushed my whole body, and my blood and body parts would splatter on the train and on the platform, and the people would start screaming but they won't do anything like calling the police. They would just stand there naively screaming they're lungs out, or gasping for breath, or puking all over the place and all.
Oh darn movies.. I hate them now, those stressful thrillers and suspense, they really can get to my head. I'm a madgirl.
I know I wouldn't have done it though. Aside from the big expense at stake for the funeral and all, I don't have the guts to jump in a railway. But I probably would've done it, too if I'm totally nuts and if I'm assured that someone will cover me as soon as the train did it's wonderful job.Err..I didn't want a bunch of stupid rubbernecks puking on my chopped bloody body.
Posted by Cai at 9.5.06 1 comments
Urine Sample #13: FOPC Mania
5/4/06
Mabuti na lang hindi ako naging head/co-head sa fopc. HAHAHAHA! Pero dahil hindi ako head-slash-cohead inakala kong ligtas na ko sa mga isyu at sakit ng ulo..Wariks din pala, mapapagod din pala byuti ko.. agrrrr!!
ISYU #1:
Sino sino ba ang mga heads???Si Melai, over all head. Tapos co-dash-heads sila Roy, Fallacy, at Miles. Eh bakit parang sila Melai at Roy lang ata ung nakikita kong gumagalaw? Well, hindi ko naman kasi alam kung anong inaasikaso nung iba, baka tshirt designing or tambay. Siguro mas malaki at mas mabigat na trabaho un kesa sa maghanap ng basura, magbuhat ng papel at maghouse-to-house. (argh, naranasan kong maghouse-to-house, mukha kaming kawawa).
Sana marami ang magstep up para sa fopc. Tulong naman tayo.. Kawawa naman kasi ung kaibigan ko (hi melai! namimiss na kita!) tsaka si Roy. Tuwing nakikita ko na lang sila sobrang haggard.. grave. Tsk tsk.
Teka, wala akong sinasabi na walang tumutulong.. At wala din akong sinabi na may HINDI tumutulong...
ISYU #2:
Ano ang mas mabigat? Ang magcrush na pet bottles o ang magtanggal ng staple sa mga papel? Wala lang, nagtanong lang...
ISYU #3:
Kelangan ba nating tulungan ang ACM? Well, na-address na tong isyu na to, well addressed nga eh... mabuti na lang magaling ang execom.
Tama naman, mas mahalaga ang steering com. In any ways naman makukuha pa rin natin ang CS blocks kahit sino pa ang maging block handler nila.. CS sila eh!
BWAHAHAHAHA!!!
Un lang... nagugutom na ko..
Posted by Cai at 4.5.06 0 comments
Urine Sample #12: Pagsisisi
At ang mga luha ay nalaglag na tila mga dahon sa iyong taglagas.
Wala ka na. Ngunit narito pa rin ang mga multo sa tabi ko, mga alaalang nagpapahina sa aking katinuan. Ikinalulugod nila ang aking pagkabahala, at ikinatutuwa ang aking kalungkutan.
Wala ka na at narito pa rin ang mga alaala, ang mga supling na iniwan mo sa akin , mga ilang daang milyong supling na iniwan mo.
Ang aking mga anak ay napopoot sa akin, at ito ay dahil sa iyo. At kung lubos mang sa akin ang napakalaking pagkukulang, isinisisi ko sa iyo ang bahagi ng pagsasamantala.
Malugod kong tinanggap ang iyong tulong noon nang makita mo akong sugatan at nanghihina sa daan. Inagaw mo ako sa mga mababangis na lobong lumalapa sa akin. Iyon ay ikinatuwa ko nang lubos, tunay na lubos kung itatanong mo. Lahat ng tulong na ibinigay mo ay ipinagpasalamat ko.
Tutol man ang iba sa mga anak ko, pumayag akong patuluyin ka gabi gabi sa aming barong
barong. Ito'y itinuring kong isang paraan ng pagpapasalamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Sa bawat gabi ay malugod kitang tinatanggap, marahan kong ipinipinid ang pinto, at ipinapaubaya ang kung ano pa ang natitira sa aking dangal. Sa bawat gabing iyon ay nagiiwan ka ng kambal na sugat at supling. At hindi ko ito natatanggihan.
Wala ka na ngunit narito pa rin ang iyong presensya. Hawak mo pa rin ako sa malalaki mong
kamay. Ang iyong mga kamay na dating sumasakal sa aking pagkatao. Ang iyong kamay na
hanggang ngayo'y nagsasamantala sa aking kahinaan.
At ngayo'y nalulugmok ako sa matinding kalungkutan at kahirapan. Milyon milyon sa aking mga anak ang hindi ko napapakain, walang mabuting tirahan at walang maayos na pagkakakitaan. At lahat ng iyon ay isinisisi nila sa akin. Karamihan sa kanila ang nasa malalayong lugar na. Mas nanaisin pa nila na manirahan doon na malayo sa akin, kaysa sumama sa aking paghihirap. Marami na rin sa kanila ang nagpaampon na sa ibang magulang. Itinatakwil nila ang sarili nilang ina!
Lahat nang ito ay dahil sa iyo. Hindi na sana ako nagpauto sa iyong magagandang adhikain. Mga adhikaing nagtatakip sa iyong maiitim at mapangsariling naisin. Noon pa sana'y nakinig ako sa aking mga mahal na anak. Hindi sana kailangang umabot sa ganito.
Mahal kita at kailangan ko ang tulong mo. Oo, tulong mo ang kailangan ko at hindi ang pagiging pyudal mo. Hindi ko kailangan ang iyong pakikialam, lalong lalo na ang iyong pagsasamantala.
Sabi mo aalis ka na?? Bakit narito ka pa rin??
Posted by Cai at 4.5.06 1 comments
Urine Sample #11: Instant Hacker (drama ko lang)
5/3/06
At last! Na-hack ko rin ang ip address at port number na kelangan para maaccess ang "world wide web". Woah! (kunyari na lang nahack ko instead na nalaman para mas astig..ehehehe).
Dahil mabait din naman ang mundo, after ng isang linggo dito sa office sa wakas eh may access na rin ako sa internet.. Nakakapraning ang 9hrs (minsan 10 kapag maaga akong dumadating) na pagakakakulong ko dito sa apat-na-sulok-na-kwarto habang tumitipa ng keyboard o kaya nagaayos ng papel. Mabuti na lang malamig dito at may pinagkakaabalahan na akong illegal na gawain ngayon... BWAHAHAHAHAHA!! Salamat na lang at magaling akong maghack. (basta kunwari nakapaghack ako).
At dahil libre ang access at maluwag ang oras, may panahon ako para magkalkal ng inbox sa yahoo, gmail, UP webmail, mugglenet, i.ph, at pati na rin sa friendster. At pwede ko na ring asikasuhin ang blog ko... ahahahaha! Sayang lang at walang ym.. Pero mabuti na rin un kasi baka wala na akong magawang trabaho. Ang mahalaga lang naman e manatiling konektado sa buong mundo.. err kahit buong sangka-UP-han lang naman.
Mukhang nangangailangan na sa atensyon ang yahoomail ko. Biruin mo, meron akong 2000+ unread messages. Kumusta naman diba? Sobrang katamaran na 'to.. pagclick na nga lang ng mouse hindi pa magawa.. well, unless diner dash ang nasa monitor, kahit hinid makagawa ng MP sa CS32 o hindi makapag-aral para sa finals ng Physics72, keri lang! >_< tsktsk
At kung gaano naman karami ang laman ng yahoomail ko, ganun naman ka-empty ang mugglenet account ko, pati ang UP webmail. Niweys ang mahalaga may mailbox ako. Kahit hindi nasa harap ng gate namin.
Posted by Cai at 3.5.06 0 comments
Urine Sample #10: Untitled
5/1/06
May mga pagkakataong tulad nito na pakiramdam ko nawawalan ako ng sense. Madalas mangyari un... ang mawalan ng sense ang existence ko. Minsan hinihiling ko na kaibigan ko si Doraemon para pwedeng kong mahiram yung time machine nya o kahit time capsule na lang na pwede akong magkasya.
TAKTE!
Sa dinami dami ng angas ko sa buhay, wala kahit isa akong maintindihan...
I think angels spoke to me last night. I mean, we supposed to have one angel right? But I heard many voices. And they're really mad. See, they should have this very yellow voice or cold like ice or something like unchained melody from the harp and all, but when you hear them talk to me you really can say they're all mad at me like hell.
Honestly, they brought me creeps.
Now I'm haunted by that voices and the manner they'd said "cai" just like saying "what the hell are you doing?!!?"
Are they going to punish me?? Grave yes.
Posted by Cai at 1.5.06 1 comments