CS vs IE
Volleyball
1130am
Napilitan akong pumunta sa venue. Kulang pa sila, at kung hindi ako sisipot, ma-de-default ang CS.
OK sige na nga... Pupunta na..
Pero wala akong balak mag-laro. Pumunta lang ako dun para hindi madefault ang CS habang hinihintay pa ung ibang players...
Pero anak ng tokwang kalabaw naman!
Lima palang un players, kulang pa ng isa... At sino nga ba ang idadagdag? Shet. Hindi sana nila ako tinignan..
JT: O Cai, kaya mo yan
Rap: Go Cai!
Dan: Yeah! Star player
Shitness.
OK. No choice. Kelangang maglaro habang wala pa ung iba.
Kumusta naman ako... Nakapantalon, naka-doll shoes... Parang sundalong walang armour. Shit talaga
Referee: Position! 0! ung naka-t-shirt, 6.
JT: O Cai, ikaw unang mag-se-serve
Rap: Go Cai!
Cai: Shet.. hindi ako marunong mag-serve!
Rap: Kaya mo yan
JT: Basta lakasan mo lang ang palo.. patagilid
/*Cai: nag-serve.. ung bola tumama sa mukha nya*/
Referee: /*pumito*/
Taenang court. Ako pa talaga ung nagbigay ng unang pt sa IE...
after a few (fortunately very few) minutes....
May dumating din na sub... mabuti na lang... At least na-save ko ang sarili ko sa mas marami pang kahihiyan..
Sa susunod.. ayoko na talagang malagay sa line-up ng volleybabes. Wala naman kasi 'kong balak maglaro... at hindi talaga 'ko marunong maglaro.
Urine Sample #26: Bale - ball
8/4/06
Posted by Cai at 4.8.06
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
hehe.. nakoo.. aus lng yn. =p
Post a Comment