Shit.
Kahit kelan talaga hindi nabibigo ang mga exam na pagmukhain akong tanga sa harap ng answer sheet ko at ng questionnaire. Kumusta naman kasi ang mga linear resistive network, ang base-junction transistor at ang zener diode na hindi ko alam kung paano gumagana.
Sabi na nga ba eh, nauto ako ni Becca (ung multong pumapatay sa Pamahiin). Hindi na nga ako nag-aral kagabi para lang sa maayos na tulog, tumunganga pa ko nang halos dalawang oras sa harap ng TV para lang mauto nang isang gawa-gawang karakter.... Argh! Ano ngayon ang napala ko? Wala... Hahaha... Kasalanan to ng mga gumagawa ng horror films..
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
-
Sige na nga..... Hindi ko na sisisihin si Becca.. Hindi naman talaga kasi 'ko nag-aral eh.
Urine Sample #24: Pangitain
7/30/06
Posted by Cai at 30.7.06
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comments:
tsk. tsk. bawi n lng nxt tym!
Post a Comment