MP CS 150
Mabuti na lang malakas ang tama saken ng pulang toro, kung hindi kanina pa ko humaharok. Kumusta naman diba? in 48 hrs, 3hrs lang dun ung tulog ko!
At kahit ilang muta na ang nasayang, hindi pa rin pala sapat para matapos at makapagpasa ontime ng MP. Kasalanan 'to ni Bagyong Milenyo. Dahil sa kanya, walang kuryente sa lugar namin, mula pa noong Thursday hanggang ngayon. Sumabog kasi ung transformer. Argh! Ang lupit diba? Kung kelan naman deadline na ng MP, at may paper pang due sa Tuesday, at eto pa, exam pa pala ng EEE sa Tuesday.. Kumusta naman daba?
Haggard na ko.. Waricks nang beauty, puro na lang luggages sa ilalim ng mata.
At least sa ngayon, tapos na ung interpreter namin.. Aye.. kumusta naman ulit? Isang araw na kaming late.. Tsk tsk..
0 comments:
Post a Comment