skip to main | skip to sidebar

Subscribe To

Posts
Atom
Posts
Comments
Atom
Comments

About me

My photo
Cai
Corporate slave by day, rockstar assassin by night.
View my complete profile

Reading List

  • Adaphobic
  • Batang Yagit
  • Bawal Umihi Dito
  • CMAQuest
  • Daydreamerping
  • Life on a Pencil
  • Missing Carlo
  • Ozy's Musing
  • Poems from the heart
  • Sexy Mom
  • TechnoPink
  • TechyKid
  • Tnomeralc Web Design Toys

Labels

  • angst (1)
  • delta (20)
  • happiness in a nutshell (4)
  • living the pink life (8)
  • musicology (1)
  • nonsense (8)
  • over the coffee table (2)
  • random thoughts (3)
  • social conversation (1)

Archive

  • December 2010 (1)
  • November 2009 (1)
  • August 2009 (1)
  • June 2009 (3)
  • May 2009 (3)
  • April 2009 (4)
  • March 2009 (1)
  • February 2009 (4)
  • January 2009 (2)
  • December 2008 (4)
  • November 2008 (9)
  • October 2008 (5)
  • January 2007 (1)
  • November 2006 (3)
  • October 2006 (1)
  • September 2006 (1)
  • August 2006 (7)
  • July 2006 (7)
  • June 2006 (1)
  • May 2006 (7)
  • April 2006 (3)
  • March 2006 (6)

The Pink Delta

random. blabberings. and. personal. journal.

Urine Sample #21: The Itsy Bitsy Spider

7/14/06


The itsy, bitsy spider, climbed up the water spout.

Down came the rain and washed the spider out.
Out came the sun and dried up all the rain,
So the itsy, bitsy spider went up the spout again.

So bale ilang araw na ring umuulan.. err.. bumabagyo pala.. Kala ko wala na ring pasok ngayon.. Argh!

Sarap talaga matulog lang kapag umuulan, ung tipong may malambot na kutson, madaming unan at madulas na kumot.. *yawn* ^-^ Sarap magkulong lang sa loob ng bahay... Natutulog, kumakain, naglalaro, at nanonood.


The itsy, bitsy spider, climbed up the water spout.

Pero nakakalungkot lang kasi tuwing bumabagyo at tila pabor sa mga kachorvahan ko ang panahon, maraming bayan naman ang lubog sa baha at naghihirap sa kalamidad. Ang malupit pa nyan, ang dami daming namamatay dahil sa landslide.

Kagabi nanood ako ng Magpakailanman sa GMA7. Featured story nila ung kay Irene at Aling Irenea na both survivors sa landslide na naganap sa St. Bernard, Leyte. That was Feb16. Bago lang.

Sobrang kinilabutan ako.. Isang buong barangay ang natabunan ng lupa... Isang buong barangay. Hindi na nga makilala ang mga lugar sa barangay na un tulad nung elementary school nila. Madami daw estudyante dun. May parada kasi ung Women's League nila dun. Selebrasyon. Hayyy.. Kawawa ung mga batang naipit sa paaralan.


Down came the rain and washed the spider out.

Si Aling Irenea, pitong apo ang nawala sa kanya, dalawang biyenan at dalawang anak. Ang dami nun... Labing isang buhay... Tsk tsk... Si Irene naman, nawalan ng dalawang kapatid, ang kanyang ama at ang baby nya na mahigit isang linggo palang. Bunsong kapatid na lang ang natira sa kanya..

Grave.

Naging instant sementeryo ang barangay nila.. Nakakapanglumo.. Ganun kabilis lang nawalan ng buhay ang libo libong mga tao...

At ang may sala? Illegal logging..

Mga p******** nang lahat ng mga illegal loggers at lalong lalo na nag pinakamataas na namamahala dito... Matusta nawa sya sa impyerno..

Hindi ba pwedeng maiwasan ang mga kalamidad at pagkalagas ng buhay?


Out came the sun and dried up all the rain,
So the itsy, bitsy spider went up the spout again.

Mabuti na lang may mga survivors pa rin. Sabi nga ni Aling Irenea, makakapag-move on din sya. Wala naman syang ibang magagawa... Hindi na mababalik ang mga mahal nya sa buhay...

Posted by Cai at 14.7.06    

1 comments:

Louis said...

Tama ka. Nakakalungkot nga ang mga nangyayaring kalamidad sa bansa. Buti sana kung mga kriminal ang nadadale sa mga ganun.. kaso mga inosenteng mamamayan. Sad.

Fri Jul 14, 10:09:00 PM 2006  

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Blog Design by Gisele Jaquenod

Work under CC License.

Creative Commons License