skip to main | skip to sidebar

Subscribe To

Posts
Atom
Posts
Comments
Atom
Comments

About me

My photo
Cai
Corporate slave by day, rockstar assassin by night.
View my complete profile

Reading List

  • Adaphobic
  • Batang Yagit
  • Bawal Umihi Dito
  • CMAQuest
  • Daydreamerping
  • Life on a Pencil
  • Missing Carlo
  • Ozy's Musing
  • Poems from the heart
  • Sexy Mom
  • TechnoPink
  • TechyKid
  • Tnomeralc Web Design Toys

Labels

  • angst (1)
  • delta (20)
  • happiness in a nutshell (4)
  • living the pink life (8)
  • musicology (1)
  • nonsense (8)
  • over the coffee table (2)
  • random thoughts (3)
  • social conversation (1)

Archive

  • December 2010 (1)
  • November 2009 (1)
  • August 2009 (1)
  • June 2009 (3)
  • May 2009 (3)
  • April 2009 (4)
  • March 2009 (1)
  • February 2009 (4)
  • January 2009 (2)
  • December 2008 (4)
  • November 2008 (9)
  • October 2008 (5)
  • January 2007 (1)
  • November 2006 (3)
  • October 2006 (1)
  • September 2006 (1)
  • August 2006 (7)
  • July 2006 (7)
  • June 2006 (1)
  • May 2006 (7)
  • April 2006 (3)
  • March 2006 (6)

The Pink Delta

random. blabberings. and. personal. journal.

Urine Sample #12: Pagsisisi

5/4/06

At ang mga luha ay nalaglag na tila mga dahon sa iyong taglagas.

Wala ka na. Ngunit narito pa rin ang mga multo sa tabi ko, mga alaalang nagpapahina sa aking katinuan. Ikinalulugod nila ang aking pagkabahala, at ikinatutuwa ang aking kalungkutan.

Wala ka na at narito pa rin ang mga alaala, ang mga supling na iniwan mo sa akin , mga ilang daang milyong supling na iniwan mo.

Ang aking mga anak ay napopoot sa akin, at ito ay dahil sa iyo. At kung lubos mang sa akin ang napakalaking pagkukulang, isinisisi ko sa iyo ang bahagi ng pagsasamantala.

Malugod kong tinanggap ang iyong tulong noon nang makita mo akong sugatan at nanghihina sa daan. Inagaw mo ako sa mga mababangis na lobong lumalapa sa akin. Iyon ay ikinatuwa ko nang lubos, tunay na lubos kung itatanong mo. Lahat ng tulong na ibinigay mo ay ipinagpasalamat ko.

Tutol man ang iba sa mga anak ko, pumayag akong patuluyin ka gabi gabi sa aming barong
barong. Ito'y itinuring kong isang paraan ng pagpapasalamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Sa bawat gabi ay malugod kitang tinatanggap, marahan kong ipinipinid ang pinto, at ipinapaubaya ang kung ano pa ang natitira sa aking dangal. Sa bawat gabing iyon ay nagiiwan ka ng kambal na sugat at supling. At hindi ko ito natatanggihan.

Wala ka na ngunit narito pa rin ang iyong presensya. Hawak mo pa rin ako sa malalaki mong
kamay. Ang iyong mga kamay na dating sumasakal sa aking pagkatao. Ang iyong kamay na
hanggang ngayo'y nagsasamantala sa aking kahinaan.

At ngayo'y nalulugmok ako sa matinding kalungkutan at kahirapan. Milyon milyon sa aking mga anak ang hindi ko napapakain, walang mabuting tirahan at walang maayos na pagkakakitaan. At lahat ng iyon ay isinisisi nila sa akin. Karamihan sa kanila ang nasa malalayong lugar na. Mas nanaisin pa nila na manirahan doon na malayo sa akin, kaysa sumama sa aking paghihirap. Marami na rin sa kanila ang nagpaampon na sa ibang magulang. Itinatakwil nila ang sarili nilang ina!

Lahat nang ito ay dahil sa iyo. Hindi na sana ako nagpauto sa iyong magagandang adhikain. Mga adhikaing nagtatakip sa iyong maiitim at mapangsariling naisin. Noon pa sana'y nakinig ako sa aking mga mahal na anak. Hindi sana kailangang umabot sa ganito.

Mahal kita at kailangan ko ang tulong mo. Oo, tulong mo ang kailangan ko at hindi ang pagiging pyudal mo. Hindi ko kailangan ang iyong pakikialam, lalong lalo na ang iyong pagsasamantala.


Sabi mo aalis ka na?? Bakit narito ka pa rin??

Posted by Cai at 4.5.06    

1 comments:

Anonymous said...

Nakakapangsisi nga ang nangyari sa ating bansa.

Bilib ako sa angking galing mo sa pagkatha ng mga metapora upang ihayag sa mga mambabasa ang mensaheng nais mong iparating.

Mahusay ang pagkakalathala.

Mon May 08, 09:27:00 AM 2006  

Post a Comment

Newer Post Older Post Home
Subscribe to: Post Comments (Atom)

Blog Design by Gisele Jaquenod

Work under CC License.

Creative Commons License